panahon nanaman ng Dengue..
at si Lando Lamok ay nag-iikot sa isang bahay..
hindi alam ng magkapatid na Jojo at Filemona
na nakapasok na pala ang pesteng lamok
sa kanilang muskitero (kulambo)..
===============================
isang heartbeat,
at nabuhay ang ating bidang si Dugul..
===============================
isang nosebleed,
at nakalaya sa parehas na katawan ang kayang mga
kamag-anak..
===============================
isang regla,
at pinalayas ang kanyang gerlpren..
===============================
at ngayon, siya ay ulila..
maliban sa kanyang kapatid
"Nooooooooo!!!!!! gusto ko naring lumabas!!! Paano ako magiging masaya kung panay bituka, lungs at mga laman loob ang aking nakikita???? paano ako magiging matagumpay.. Ayoko na dito!!!! Gusto kong makita ang ating mga kasama sa labas!! Miss ko na sila!!! AHuhuhuhuhu.. =(, mas madami akong magagawa sa labas!!!! AYOKO NA DITOOOO!!!!!",
naghihingalong sabi ni Dugs
"BASTARDO!!!! Ang Loser mo talaga!! Look around.. Isa kang Dugo!! Wala kang ibang gagawin kundi maging Dugo.. DUGO KA LANG!! DUGO!!! DUGO DUGO DUGO!!! Hanggang dun ka nalang, hanggang dun nalang tayo.. We're not destined for greater things!!!!", sabi ni DonDon Dugo, ang panganay na kapatid ni Dugs..
"Ngunit paano na ang mga pangarap ko? Alam kong may purpose pa ako, hindi lang ako basta
dugo.. Ayokong maging basta dugo nalang for life.. Hindi ako ganun ka-naive..",
banat naman ni dugs..
"BASTARDO!!! NAhihibang ka na ba? Alam mo naman siguro kung ano ang ating mga ninuno diba? DUGO!!! Ang ating great great grand parents, DUGO!!! Ang ating mga lola at lolo, DUGO!! ang ating mga magulang, DUGOOOO!!! LAHAT TAYO DUGOOO!!! WALA KA NANG MAGAGAWA DUN!!!!! DUGOOOO!!!!!", disappointed na sabi ni DonDon..
"KUYA, AKO, I WILL DARE TO BE DIFFERENT.. I WANT TO BE SOMEONE ELSE", banat ulit ni Dugs..
"Haaaay, youre so kulit, look around, magkakamuka tayong lahat.. Ano pa bang pwedeng mangyari at magiging iba ka? Paano ka magiging iba? Ganito ka na.. at ganito ka na habang buhay..", sabi ni DonDon
"Gusto kong maging sundalo kuya..", proud na sabi ni Dugs..
"SUNDALO?!?!?!?! Mag-isip ka naman Dugul, lahat ng dugo dito walang propesyon, lahat tayo dugo lang.. Wala ng iba..", sabi ni DonDon
"Pwes ako ang magiging una...", sabi ni Dugs
"Haay, mabibigo ka lang..", sabi ni DonDon
"Paano mo nasabi yan? Nasubukan mo na ba?? Hindi naman ah..",
"Alam ko ang mas nararapat sayo, kapatid kita.. mas matanda ako sayo.. ayaw kitang mabigo.. bakit ba ayaw mo dito? Masaya naman dito..", sabi ni DonDon
"Haaaaayyy.. gaano man kasaya dito para sayo kuya, ako dito ay hinding hindi magiging masaya dahil hindi ako makukuntento, hindi ko pwedeng abutin ang aking pangarap kung dito lang ako, mabubuhay akong nagsisisi dahil hindi ko sinubukan abutin ang aking mga pangarap, pinabayaan kong mawala itong isang bagay na tunay na magpapasaya sa akin.. pabayaan mo ako kuya.. kung tunay ngang ayaw mo akong maging mabigo.. at.. kuuuuu.... kuuuuyyaaaaaa... WAAAAAA!!! HAAAAAAAAA!!! KUYA!!! KUYA!!! HELLPPPPPPP!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! KUUUYYYYA!!!!! WHAT'S HAPPENING TO ME!!! NOOOOOOOOOOOOOO!!!!", at naguguluhan si Dugul sa kung ano ang nangyayari sa kanya..
===============================
alam ni DonDon ang nangyayari sa kanyang kapatid,
sabi nila, there's a rainbow after the rain,
ngunit sa kanilang mundo, there's a dengue after the rain
sa panahon ng dengue, madalas makita ang mga mukhang
karayom na pumapasok sa kanilang mundo..
ang bibig ng lamok..
hihigop ito ng dugo.. hihigop ng hihigop hanggang
biglang aalis ang karayom.. at mawawala na..
madami na syang nakitang mga kaibigan na aksidenteng
nahigop ng higanteng karayom.. ginawa man nya ang lahat upang
tulungan ang mga ito, ni isa ay wala siyang natulungan..
ngayon, kung kailan may pagkakataon siyang iligtas ang isa..
hindi nya iniligtas ang kanyang kapatid...
"BASTARDO..", nakangiting sabi ni DonDon.
===============================
"teka, is this the outside world? Oh my GoodNEss!!",
sabi sa isip ni Dugul habang nararamdamang gumagalaw siya sa
anumang kung anong alien na humigop sa kanya..
"Haaaaay, this is it.. This is the start of my beautiful adventure.. My dream.. Yeeeheeeyyyy!!! Excited nako!!! HAPPY HAPPY TALAGA!!! YEHEEYYY!!!!!!!!! My dream, it sounds so good..", optimistic na sabi ni dugul..
===============================
biglang nagising si Jojo at napansin na may butas pala ang kanilang muskitero..
napansin nyang may kagat na pala siya sa kanyang kamay...
napansin din nya ang mga lamok na umaaligid sa mga gilid ng muskitero..
"Haaaaay, daming lamok.. AAARRGHHH!!! pakxet..", pagalit na sabi ni jojo
at parang isang performance na nagsipalakpakan, siya ay nag-amok sa mga lamok..
madaming siyang napatay na lamok, kabilang na si Lando Lamok
Monday, September 8, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)