ito ang buhay ni Pedro..
madaming mga kwentong kumakalat kung bakit hindi makangiti si Pedro.. sabi ng iba pinaglihi daw siya sa pusang wala man lang ka-emo emosyon.. ang sabi naman ng iba, siya daw ay apo ng isang evil na mangkukulam na walang ginawa kundi maghasik na lagim at manakot ng mga bata.. ang sabi rin ng iba, parusa daw ito dahil sa nanay niyang mabunganga..
ipinatingin narin naman siya sa mga doctor dati at pati sila ay hindi maipaliwanag ang nangyayari kay Pedro.. Ipinatingin siya sa mga pinaka-magagaling pero mura na mga doktor sa kanilang bayan, ngunit sa bandang huli ay parehas din naman ang ginagawa ng mga doctor.. reresetahan ng kung anong gamot na mahal tapos mag sasabi ng kung anong sakit.. sabi ng iba, sakit daw sa mga muscles ang kaniyang problema.. ang sabi naman ng iba sa buto.. sabi ng iba ipatingin daw sa abroad.. ngunit.. oo nga naman.. mahirap lang ang pamilya ni Pedro.. kaya't sa bandang huli ay nagsawa narin sila sa pagpapatingin sa mga eksperto at propesyonal..
nagpatingin sila sa mga albularyo at kung sino mang may "healing" o "curing" miracles at wonders sa kanilang bayan at pati narin sa iba't ibang lugar.. merong mga albularyong mahilig lang naman talagang mang-hipo.. meron namang mga albularyo na sobrang tanda na at parang sila narin ay kailangang magpa-albularyo.. at meron ding mga hardcore weird sa mga pinag-gagawa.. dinuduraan siya sa mukha.. hinahalikan ang mata.. sinusupsop sa kung ano mang parte ng katawan.. hahawakan ka sa ulo tapos bigla kang itutumba ng malakas.. meron ding papakainin ka ng dahon ng bayabas at saging.. meron ding iinom ka ng kanilang pawis.. meron ding nagdadasal lang ng ilang segundo lang.. tapos hihingan ka na ng donation..
nagdadasal din itong si Pedro..
========================
ang kabataan ni Pedro ang pinakamahirap sa lahat..
mula pa nung siya ay sanggol, sobrang hirap na hirap ang kanyang mga magulang sa kanya dahil parang hindi siya nakukuntento sa kung ano mang bagay.. kung bibigyan siya ng gatas, walang emosyon sa kaniyang mukha.. kung kakantahan siya.. parang wala lang sa kanya.. lagi pa nga itong umiiyak.. hindi alam ng kaniyang mga magulang kung paano siya pasisiyahin.. parang ang lungkot niya lang palagi..
ng siya ay nasa elementary na, dito na talaga siya pinaka-naapektuhan at nalamang siya nga ay iba.. lagi siyang niloloko ng kanyang mga kaklase.. ang sabi pa nila: "Joke ka naman oh.. haha.. para matawa kaming lahat.. bwahahaha.." at sabay sabay silang ngingiti lahat sa kanya.. hindi makapalag si Pedro.. masakit para sa kanya.. iniiwasan siya ng kanyang mga kaklase.. wala siyang naging kaibigan.. unti-unting nabubuo ang poot sa kanyang puso.. dito narin nabuo ang inggit niya sa mga tao sa kanyang paligid.. bata palang ang isip niya ngunit napupuno na ito ng matinding galit at lungkot.. lungkot.. lungkot dahil hindi siya makangiti at parang laging nakasimangot..
ito ang kanyang elementary.. hindi man lang siya makangiti ng siya ay tatapak na sa stage dahil siya ay valedictorian.. hindi man lang niya maipakita sa kanyang mga magulang kung gaano siya kasaya.. kung gaano siya proud sa kanyang sarili.. gustong gusto niyang ngumiti.. ngunit wala.. hindi niya ito maipakita sa lahat ng nasa gym ng araw na iyon.. ito ang kanyang elementary..
========================
bagong hamon na naman para sa kanya ito.. High-School!!!..
sabi nila.. ito daw ang pinakamasayang panahon sa buhay ng isang tao.. dito na nga siguro siya talagang magiging masaya.. unang araw palang.. madami na syang nakikilala.. madaming tao sa kanyang paligid ang masaya.. parang walang problema at laging nakangiti.. ganito pala talaga ang high-school.. "Masaya..", sabi niya sa kanyang isip.. ang first-impression sa kanya ay suplado..
sa panahong ito.. dito niya nakilala ang kanyang tunay na mga kaibigan.. naiinitidihan nila si Pedro.. at hindi tulad ng elementary.. hindi na siya niloloko palagi.. iniinis minsan.. pero alam niyang joke lang lahat yun.. kahit totoo..
napasali narin siya sa mga barkada na tinatawag.. at masuwerte siyang napasali siya sa barkadang talaga namang nakakaintindi at good friends din.. ang pinaka problema niya nga lang.. ay pag panahon na ng pag-picture picture.. kapag sinasali siya ay ayaw niyang tingnan ang kaniyang sarili sa litrato sapagkat lagi niyang nakikita ang kanyang sarili na nakasimangot.. minsan pa nga ng tingnan niya ang kanilang class picture na wacky ay mukhang ang lahat ay masaya at makulit ngunit sa gilid ay makikita siyang nakasimangot.. kahit pa nga noon nung sabihin sa kanila ng photographer na "Oh.. kayo ah, SAY CHEEEEEEESE!!!", ay wala paring epekto at ang kanyang cheese ay walang kung anong tamis man lamang.. kaya't ayaw niyang sumali sa kanyang mga kabarkada minsan pag sila ay magpapa-picture ng sabay sabay.. ang totoo pa ngay lahat ng kanyang litrato sa kanilang bahay ay makikita siyang laging nakasimangot.. kahit sa mga picture niya nung bertday niya ay makikita parin siyang nakasimangot.. pati narin sa pasko at new year.. ang tanging akma lamang ay ang picture niya nung halloween at ng may inillibing sa kanila.. kaya't ang ginagawa niya ay nag-iisip siya ng wacky na pose, tapos sasali sa iba.. minsan siya ay murderer, minsan naman ay titingin lang sa langit.. mga ganun.. para lang makisali.. kahit alam niyang nagmumukha siyang tanga..
ang pinakamasakit pa dito, ay ang kanyang unang karanasan ng tunay na pag-ibig.. ito ang unang beses na tumibok ang puso ni Pedro.. may halong kaba at saya na ipinagsama.. iba tong nararamdaman niya.. nakikita niya ang kaniyang mga kaklase na madaming gerlpren.. at parang commandment narin para sa kanya ang magka-gerlpren narin.. parang batas ito nung highschool siya.. at kailangan niya itong magawa..
ngunit, siya ay laging nababahala sa kanyang kapansanan.. alam niyang hadlang ito.. nung minsan ngang siya ay nag da-moves sa kanyang girl siya ay sobrang saya sa kanyang loob-looban.. plinano niya ang lahat.. ang kanyang girl ay nasa third floor.. at pagkatapos ng klase ng kanyang girl.. nakita ng kanyang girl mula sa third floor ang "I LOVE YOU AKING GIRL" sa baba ng building.. ito ay na-spell gamit ang mga bulaklak.. kinilig bigla ang kanyang girl.. at hinanap kung sino ang gumawa nito.. sa pagtingin niya ulit sa baba, habang hinahanap ang salarin, nakita niya si Pedro at ang kanyang bespren nitong si Lando..
Si Lando ay biglang napangiti.. at nakita ito ng girl ni pedro.. at doon na nagsimula ang lovestory ni Lando at ng girl ni Pedro..
masakit para kay Pedro.. oo.. ang kanyang pinag-ipunan at pinag-paguran ay napunta lamang sa kamay ni Lando na walang malay.. ito ang unang pagkakataon na umiyak si Pedro dahil narin sa kanyang kapansanan..
ito ang highschool ni Pedro.. nagtapos man siya ulit ng valedictorian.. ganun parin ang kaniyang kapalaran.. ngunit ngayon, hindi na siya ganun ka-proud sa kanyang sarili.. wala na siyang paki-alam sa mga tao sa gym nung araw na iyon.. sabihin man nilang naging masaya din ang highschool niya, alam niyang hinde.. siya ay nababalutan ng matinding kalungkutan at hapdi.. hindi niya na sinubukang ngumiti.. ito ang highschool ni Pedro..
========================
isa nanamang parte ng buhay ni Pedro ang kanyang tatahakin.. College.. ngunit alam niyang ang parteng ito ay magiging katulad din ng mga nangyari sa kanya nung mga nakaraang taon.. magiging malungkot din ito.. gano man niya ito piliting sumaya.. parang ngiti niya rin itong walang magagawa.. lagi siyang magiging malungkot sa tingin ng ibang tao.. lagi siyang pag-uusapan kapag siya ay nakatalikod.. pag-tatawanan.. pag-sasabihan ng masama..
alam niyang masaya siya sa kanyang loob-looban ngunit parang hindi ito maintindihan ng ibang tao.. gusto niya mang sumigaw sa buong mundo at sabihing kapansanan niya iyon at wala siyang magawa tungkol dun.. ngunit wala parin.. iba't ibang tao ang dumadaan sa kanyang buhay at palaging magiging ganon ang tingin sa kanya ng ibang tao.. laging malungkot..
ibang tao.. lagi nalang ibang tao.. kaya't ang kanyang ginawa.. itinuon niya nalang niya ang pansin sa kanyang sarili.. wala na siyang pinapakinggan na tao.. wala siyang pakialam sa mundo.. ang mundo ay siya.. siya ang mundo.. siya lang ang tao sa mundo..
kinuha niya ang kursong medisina.. ang pakay niya ay hahanap siya ng lunas sa kanyang kapansanan.. sa paraang ito, magkakaroon siya ng pagkakataong maging masaya sa tingin ng ibang tao.. binasa niya ang lahat ng libro.. pinuntahan lahat ng site sa internet.. nagtanong tanong ng kung sino mang tao.. nagsaliksik sa ibang lugar.. pinuntahan ang ibat ibang ospital.. wala siyang ginawa kundi humanap ng lunas.. araw-gabi.. walang tulog... walang kain.. may ihi at tae.. walang ligo-ligo..
tinutukan niya ang sarili.. kahit siya ay sobra ng pagod.. naghahanap siya ng solusyon.. naghahanap ng gamot.. kung hindi niya ito magagamot ng maaga.. lagi siyang magiging malungkot sa rest ng kanyang buhay.. kailangan niya itong gawin.. para sa kanya ito.. para sa kanya ito.. pawis.. dugo.. pagod.. puyat..
========================
sa puntong ito.. siya na ay nasa punto na ng matinding depresyon..
========================
isang araw.. habang naglalakad sa isang kalye.. may nakita siyang isang bagay... isang bagay na tuluyan ng sumira sa kanyang bait.. Si PEDRONG HINDI NGUMIMNGITI ay naging ganap ng BALIW!!!...
nakita nalang nga mga tao si Pedro na sinisigawan ang isang bagay.. parang galit na galit ito.. umiiyak si Pedro ng todo-todo.. hindi maintindihan ng mga tao sa paligid ang kanyang sinasabi.. parang, "Buti ka pa! Buti ka pa!! Walang hiya kang bubuyog ka!!".. *sounds like.. pinabayaan na lamang ng mga tao ang baliw na si Pedro sa daan..
========================
habang pinagmamasdan ko si Pedrong baliw na sumisigaw ngayon.. ako lang ang nakakaintindi kung bakit siya tuluyang nabaliw.. dahil ngayon, sa harap ni Pedrong hindi ngumingiti ay ang statue..
ni Jollibee na laging nakangiti..
ito ang buhay ni Pedro.
Thursday, October 16, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment